« mga nahalungkat na tula | Main

musta na?

kumusta ka na?
magulo pa din... para ngang mas gumulo pero mas sumaya

magulo pero masaya...

magulo nga ba?
minsan mahilig tayong lumikha nga mundong magulo

isang mundong nilikha lamang natin

ngayon magulo pa ba?

hindi pa rin ba tahimik?
sisigaw ako kapag hindi mo rinig

dahil kapag narinig mo
lalong gugulo
pero gagaan ang loob ko

pero wag nalang...

bakit di ka pa natutulog?
umaga na naman
at pagkatapos magrereklamo ka sa pag-iksi
ng panahon ng pahinga mo

nagpahinga ka ba?
hindi ba't patuloy kang nag-isip
hindi ka rin naman nagpahinga

pero iba pa ring ung sinabi mong
panahon ng pahinga mo hindi ba?

hindi ba't nakakapahinga ka kahit maraming ginagawa
maraming problema?

pero hindi ka pa rin nagpahinga
at magrereklamo ka pa rin
sa simula ng trabaho mong
sa paningin mo ay mahirap
at nakakapagod

nakakpagod nga ba?
nakakapagod ba ang isang bagay na hindi naman gaanong nilalaanan ng pag-iisip
at nang matinding pagninilay?

hindi ba't nakakaubos lamang ng oras ang trabaho mo?
hindi ba't dapat ang oras ang napapagod at hindi ikaw?

walang karapatang sabihin yan, dahil hindi ikaw ang nasa katayuan ko

hindi nga ba?

kumusta ka na?
sana nakapahinga ka na

sabihin mo sakin kapag OK ka na
tsaka tayo mag-usap

teka lang, bakit mo ko iiwanan?

                            

Comments

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .