mga paalala
matagal na ding indi sumulat..umakda ba, kumbaga...
nananatiling walang laman ang isipan
ngunit sinusubukang may maihayag
naalala ang nasabi ng kaibigan...
kung sya'y magalang sa bawat salita
ako nama'y nagpipilit na maging tama
nagmamakawalang pag-intindi sa iba
ako'y nabuhay nang ganito
simula ng tumapak sa kinalalagyan ngayon
ang mabuhay pala'y ang lumaban
at kung minsa'y papatay
at kung minsa'y bubuhay...
may kausap sa kabilang linya't
patuloy ang walang tigil na pag-akda...
ang kung patigasan lang din ng ihaharap
at ng pakiramdaman sa inyo
patawarin na lamang
sa walang pagkabahala
ako'y ito na ngayon
marahil nga'y nag-iba..
ngunit ang pagbabago ko ba'y
ikinabuti,
o ikinasama??
ang mahal ko'y nasa kabilang linya...
saglit munang iwanan para sa minsan kong bisyo
ang umakda ng walang pasubali
ang isigaw ang damdamin sa loob ng bawat letrang
sana nga'y nababasa,
nadidinig,
at nadadama
ang paalala ng isang kaibigan
ang mga salitang kay lalim
tila indi maabot
ngunit nakamamatay ang ipinadarama
ang paalala ng dating bisyong
patuloy pa din sumisilip
sa kabila ng orasang indi na ata nawalan ng gawain,
ng orasang tinamad sa pag tik tak
gising, gumising...
ngayo'y nanghahagilab
nasaan na ang inspirasyon
para masabi ang saloobin
para ilahad ang mga ideyang
sa aking kutob ay nakaeengganyo
sa panalangi't panaginip ko
saglit na ngiti
bumugtong hininga't
sa wakas muli'y nakasulat
salamat sa mga paalala
at patawad, patawarin nawa
ang isang batang nangungulit
sa INYO
ang isang babaeng nagmahal, nagmamahal
at magmamahal
ang isang taong sana nga'y nabuo
kahit sa saglit na paalala lamang
ng pag-akda
muling manumbalik
ang dating gawi, bisyo, dahilan ng paglaya't paglipad
at ngayon nga'y lumilipad
sa kawalan ng mga kaisipan
patawad,patawad,patawarin
salamat,magpasalamat
mabuo,bumuo,nabuo
at ako'y ako nga
patuloy ang pagbabago't
walang pangungubli
sa mga kamaliang
ihahayag
mabuhay,nabuhay, sa buhay
ng pag-ibig ng isang tao,ng maraming tao at ng sarili
muli...
ako'y makasariling nagpapasalamat sa mga paalala...

Comments